Knicks nakuha si Bridges sa Nets via trade

Mikal Bridges
STAR/File

NEW YORK — Ibinigay kahapon ng Brooklyn Nets si star Mikal Bridges sa New York Knick kung saan niya makakasama si Jalen Brunson at iba pa niyang Villanova teammates.

Ito ang unang trade sa pagitan ng dalawang magkaribal na New York teams matapos noong 1983.

“This is crazy lol,” sabi ni Bridges, ang runner-up para sa 2022 Defensive Player of the Year award, sa social media platform X.

Maglalaro si Bridges para sa Knicks kasama sina Brunson, Josh Hart at Donte DiVincenzo na tinulungan ang Villanova Wildcats na makopo ang 2016 at 2018 NCAA championships.

Nakapasok ang New York sa semifinal round ng nakaraang Eastern Confe­rence.

Para mahugot si Brid­ges ay ibinigay ng Knicks sa Nets si Bojan Bogdanovic kasama ang apat na unprotected first-round picks at isang protected pick.

Humataw ang swingman ng 19.6 per game average sa 2023-24, ngunit bigong maisampa ang Nets sa postseason sa itinalang 32-50 record.

Show comments