15-man Philippines team mag-eensayo sa Metz
MANILA, Philippines — Bibiyahe ngayong araw patungong Metz, France ang walo sa 15-man Philippine team para sa kanilang pinakahuling preparasyon sa darating na 2024 Paris Olympic Games.
Isang buwan ang magiging ensayo ng tropang pamumunuan nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medal winner Eumir Felix Marcial ng boxing sa nasabing training camp.
Makakasabay nila sina boxers Hergie Bacyadan at Aira Villegas, weightlifters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza at rower Joannie Delgaco.
Susunod naman sa nasabing grupo si gymnast Caloy Yulo kasunod sina pole vaulter EJ Obiena, gymnasts Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malabuyo at fencer Sam Catantan.
Kasalukuyang nasa Poland si Obiena para sa isang event kasunod ang pagsabak sa Diamond League meet sa Paris.
- Latest