Nasabi ko na ito dati pero gusto kong ulitin.
Panalo na, natalo pa!
‘Yan ang masaklap na nangyari sa Meralco noong Friday kontra San Miguel Beer sa Game 2 ng PBA Philippine Cup best-of-seven finals.
Lamang ng apat ang Bolts with 27 seconds left. Swak na sa balde. Pero napabayaang tumanggap ng bola si CJ Perez, na hot na hot sa game, at kumana ng tres.
Down to one ang lamang. At matapos ang isang free throw ni Chris Banchero, si super Marcio Lassiter naman ang bumanat ng tres para ipanalo ang SMB, 95-94.
Naitabla nila ang serye, 1-1. Sayang dahil kung nanalo ang Bolts, 2-0 na sila at closer sa first ever PBA title.
Ewan ko ba na sa sobrang ganda ng interior defense ng Meralco na pati si June Mar Fajardo, eh hirap ganun naman kaluwag ang naging depensa nila sa labas sa closing seconds.
Deny the ball na dapat sina Perez at Lassiter dahil siguradong tres ang ipupukol nila.
Pinabayaang tumanggap eh.
Well, that’s history. Mamaya ang crucial Game 3.
Sayang talaga ‘yung game para sa Meralco. Nandun pa naman si Boss MVP.
I’m sure ‘yun din ang nasa isip niya pauwi galing Araneta Coliseum: Panalo na, natalo pa!