MANILA, Philippines — Nangako si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na lalo pang palalakasin ang cycling sa bansa matapos tanggapin ang 2024 Merit Award sa Asian Cycling Confederation (ACC) Congress sa Kazakhstan.
“It’s a recognition from cycling’s continental body that inspires us to do better for Philippine cycling,” ani ng POC chief at pangulo ng PhilCycling matapos tanggapin ang award sa Intercontinental Hotel sa Almaty.
Nagsalang si Tolentino ng isang 22-athlete team, ang pinakamaraming siklista matapos noong 1995, sa ACC Championships for Road na kasabay ng ACC Congress.
“My heartfelt gratitude to the ACC for recognizing the PhilCycling’s effort to advance further our sport in the country,” ani Tolentino na sinimulang pamahalaan ang PhilCycling noong 2005 bilang Tagaytay City Mayor at idinaos ang BMX racing bilang demonstration sport bago naging isang medal sport sa UCI-standard BMX track ng 2019 30th Southeast Asian Games.
Dalawang UCI continental races ang idinaos ng PhilCycling na nagresulta sa pagbuo ng apat na continental teams at ang partisipasyon sa London 2012 Olympics ni Danny Caluag.
Ipinadyak ni Calauag ang nag-iisang gold medal ng bansa sa Incheon 2014 Asian Games.
Sa ilalim ng pamamahala ni Tolentino ay kumuha rin ng medalya sina SEA Games medalists Jermyn Prado (road race gold 2019 SEA Games) at Ronald Oranza (double bronze medalist 2023 Cambodia SEA Games).