Sa wakas

Good or bad?

‘Yan ang tanong ko sa sarili ko matapos talunin ng Meralco ang Ginebra sa Philippine Cup semis nung Friday.

Sa Batangas ginawa ang Game 7. Sa FPJ Arena.

Pero dehins umubra ang Gin Kings. Finally, tinalo sila ng Bolts sa semis. First time din pumasok sa All-Filipino finals ang Meralco.

Nag-advance ang Meralco sa best-of-seven finals kontra San Miguel Beer. Sa Wednesday ang simula ng serye.

Pero mabalik tayo sa tanong ko: Good or bad ba ito?

Sa tingin ko, good and bad.

Maganda dahil dehins sister teams ang maglalaban sa finals. MVP Group vs SMC Group.

Kaya bakbaban ito. Walang bigayan – kung ‘yun man ang isipin ng ibang PBA followers.

Ang negative lang eh alam naman natin na Ginebra ang crowd favorite kaya mas patok sana sa takilya.

Pero sa tingin ko, tatauhin pa din ang finals.

Kanino kaya kakampi si idol FPJ?

Show comments