Meralco-SMB sa PBA Finale

Meralco's Chris Banchero.
PBA Images

MANILA, Philippines — Pinadapa ng Meralco ang Barangay Ginebra, 78-69, sa Game Seven ng kanilang semifinals series para pumasok sa Season 48 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa FPJ Arena sa San Juan City, Batangas.

Isinara ng Bolts sa 4-3 ang kanilang best-of-seven semis showdown ng Gin Kings para sagupain ang San Miguel Beermen sa championship duel.

Nakatakda an Game One sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Kummada si Fil-Italian guard Chris Banchero ng 24 points, para Meralco na nakahugot kay 6-foot-8 rookie center Brandon Bates ng 13 rebounds at 6 shot blocks para sa una nilang finals appearance sapul nang mabigo sa Ginebra sa 2019 Governors’ Cup title wars.

Nagdagdag si Chris Newsome ng 20 markers, 6 assists at 2 rebounds habang may 10 points si Bong Quinto para sa Bolts na kinuha ang 2-1 bentahe sa serye bago nakatabla sa Game Six.

Binanderahan ni Scottie Thompson ang Gin Kings sa kanyang 20 points, 10 boards at 6 assists at may 16 at 13 markers sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle, ayon sa pagkakasunod.

Show comments