^

PSN Palaro

Canino magiging bagong ‘Phenom’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Bumanat si Angel Canino ng 17 points tampok ang 15 attacks sa 22-25, 25-19, 25-16, 25-20 paggupo ng Alas Pilipinas sa Australia sa kanilang debut game sa 2024 AVC Challenge Cup for Women noong Hu­­webes ng gabi.

Isa ang 20-anyos na UAAP Season 85 Rookie of the Year-Most Valuable Player ng De La Salle Lady Spikers sa mga hi­na­ngaan ng 4,945 fans sa Rizal Memorial Coliseum.

“I think hindi naman ako iyong big reason,” pagpa­pa­kumbaba ng 5-foot-11 na si Canino. “The big reason is iyong team work kasi given our short time to prepare pero nagawa namin to which was led by the coaches and ate Jia (De Guzman) talaga.”

Umiskor din ng 17 mar­kers si PVL star Eya Laure, habang may 16 at 15 points sina Sisi Rondina at 6’2 Thea Gagate, ayon sa pagkakasunod, para sa panalo ng mga Pinay spikers sa mga Aussies.

“Nakakatuwa lang din ka­si pina-follow namin si ate Jia and the coaches, that’s why we had teamwork at sobrang bilis lang mag-gel ng team,” dagdag ni Canino.

Nag-ambag si De Guzman ng anim na puntos at siyam na excellent sets.

“Every game for us will be a big learning expe­rience talaga. This win is great pero marami rin ka­ming mapupulot na errors, lessons that can help us achieve results in the follo­wing games,” sabi ng 29-anyos na si De Guzman.

Matapos ang India ay haharapin ng Alas Pilipinas ang Iran ngayong alas-7 ng gabi.

Bukas ay sasagupain ng national team ang Chinese Taipei sa parehong oras.

ANGEL CANINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with