India hinataw ang Chinese Taipei
MANILA, Philippines — Hinataw ng India ang ikalawang sunod na panalo sa 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women matapos gibain ang Chinese-Taipei, 25-19, 25-13, 25-16, kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.
Pumalo si middle blocker Soorya Soorya ng 15 points mula sa pitong attacks at walong blocks para sa 2-0 record ng India sa Pool A.
“I’m feeling very happy that we won, and we are hoping that we can get more wins,” ani Soorya sa torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.
Tinapos ng India ang laro sa loob ng isang oras at 20 minuto para ihulog ang mga Taiwaneses sa ikalawang dikit na talo sa event na suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, AyalaLand, Nuvali, Foton, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Makati Shangri-La, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at Pilipinas Live.
Samantala, dinaig ng Hong Kong ang Indonesia, 25-22, 26-24, 25-18, para sa kanilang 1-1 baraha sa Pool B.
Sa ikatlong laro, winalis ng nagdedepensang Vietnam ang Singapore, 25-8, 29-27, 25-10.
- Latest