No tickets

Halos sold out ang tickets sa Araneta Coliseum at MOA Arena noong Linggo.

Pinilahan. Ang official headcount: 17,834 fans sa Araneta at 19,505 sa MOA Arena.

Dehins PBA game ang pinilahan -- women’s volleyball.

Yes, nandun ngayon ang fans considering na dehins pa nagsisimula ang finals ng PVL at UAAP.

Iba kasi ang following ng women’s volleyball, lalu na sa UAAP dahil school-based kaya sa mga estudyante pa lang, kaya talaga punuin ang venues.

Eh may mga alumni pa.

Ganun din naman sa PVL. Kahit mga professionals na sila Alyssa Valdez or Deanna Wong, hatak pa din nila ang fans nila sa college.

Mamaya ang knockout game ng National U at FEU. Ang mananalo ang lalaban sa UST sa finals.

Sa PVL, dream match ang finals – Creamline ni Alyssa at Choco Mucho ni Wong.

Kaliwat-kanan ang text messages sa akin para humingi or bumili ng tickets sa volleyball games.

Dati PBA ang hinihingi.

Kaso, wala naman ako mabigay.

Walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak.

Show comments