^

PSN Palaro

FEU humirit ng rubber match sa NU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humirit ng rubber match ang Far Eastern University Lady Tamaraws matapos nilang suwagin ang last year’s runner up National University Lady Bulldogs, 25-23, 25-17, 25-23 sa UAAP Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa Filoil EcoOil Cetre sa San Juan kagabi.

Umariba sa opensa si Ubaldo matapos mag_tala ng anim na puntos para sa Lady Tamaraws na binulaga ang volleyball fans matapos paamuhin ang mabangis na Lady Bulldogs.

Tangan ng Lady Bulldogs ang twice-to-beat incentive kaya may tsansa pa silang makabawi sa do or-die game.

 Ginulat ng Lady Tamaraws ang Lady Bulldogs, sinuwag ng una ang huli para makuha ang panalo sa set 1. Nakasungkit ang Lady Bulldogs ng twice-to-beat advantage matapos nilang manguna sa elimination round.

Biniyayaan ng bonus ang top two teams pagkatapos ng 14-game elims at nakuha ng No. 2 seed University of Santo Tomas Golden Tigresses ang isa.

Parehong nagtala ng 12-2 records ang Lady Bull_dogs at Golden Tigresses pero lumanding ang NU sa unahan habang pumuwesto sa pangalawa ang UST. Samantala, maghaharap ngayong araw ang Golden Tigresses at defending champions De La Salle University Lady Spikers sa alas-4 ng hapon sa Mall of Asian Arena sa Pasay City.

Kailangan ng Taft_based squad na masilo ang panalo upang makahirit pa ng rubber match.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with