Lady Altas pumalo ng back-to-back wins

MANILA, Philippines — Sumiksik sa three-way tie sa No. 3 spot ang Uni­ver­sity of Perpetual Help System DALTA matapos gibain ang San Sebastian College, 25-23, 27-25, 25-14, sa NCAA Season 99 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumana si skipper Razel Aldea ng season-high 11 points mula sa pitong attacks at apat na blocks  upang akbayan ang Lady Altas sa 4-2 marka katabla ang Letran Lady Knights at Mapua Lady Cardinals.

Dahil sa ipinakitang ti­kas ni Aldea ay inirehistro ng Perpetual ang unang back-to-back wins sa season.

Mag-isa sa tuktok ng team standings ang defen­ding champions St. Benilde Lady Blazers na may 6-0 karta, habang nasa second spot ang Lyceum Lady Pirates na hawak ang malinis 5-0 record.

Pinangunahan ni Shaila Omipon ang opensa ng La­dy Altas matapos magtala ng 16 points at bumakas si reigning MVP Mary Rhose Dapol ng 11 markers at pi­tong receptions

Nabaon naman sa ila­lim ng team standings ang Lady Stags sa 0-6 baraha.

Sa unang laro, tinalo ng Ma­pua ang Letran, 25-19, 25-22, 21-25, 27-25.

Bumira si Raissa Ri­­ca­blanca ng 19 points mu­­la sa 15 attacks at may 14 markers si Roxie Dela Cruz.

Show comments