Letran at Mapua magkakasubukan

Volleyball stock photo.
Unsplash

MANILA, Philippines — Umiinit ang bakbakan sa NCAA Season 99 wo­men’s volleyball tournament lalo na sa No. 3 at No. 4 spot sa team standings.

Pagkatapos ng labanan ng dalawang pares na matches ngayong araw ay posibleng magsiksikan ang mga koponan sa team standings.

Tangan ang 4-1 karta, nasa pangatlong puwesto ang Letran at makakalaban ang Mapua University sa alas-10 ng umaga sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Magkatapat naman ang Perpatual Help at wala pang panalong San Se­bas­tian College sa alas-2 ng hapon.

Magkasalo sa No. 4 ang Lady Cardinals at Lady Stags tangan ang parehong 3-2 record.

Sakaling manalo sila pareho ay magkakaron ng three-way tie sa pangatlong puwesto.

 Sina Freigh Anne Garcia at Roxie Dela Cruz ang huhugutan ng lakas ng La­dy Cardinals sa opensa upang tapatan ang mga pam­batong spikers ng La­dy Knights.

Nag-init ang opensa ni Dela Cruz nang kalusin ng Mapua ang Jose Rizal University, 25-20, 25-19, 25-19, noong Martes.

Nasa ibabaw ang de­fen­ding champions College of Saint Benilde na may malinis na 6-0 kartada kasunod ang Lyceum of the Philippines na may 5-0 marka.

Show comments