Creamline ‘di bibigyan ng panalo ang PLDT

MANILA, Philippines — Gusto ng nagdedepen­sang Creamline na umentra sa semifinal round ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence na may bitbit na panalo.

Target ang ikatlong dikit na ratsada, sasagupain ng Cool Smashers ang PLDT High Speed Hitters ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng Chery Tiggo Crossovers at sibak nang Galeries Tower Highrisers sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nasa tuktok ang Choco Mucho bitbit ang 9-2 record kasunod ang Petro Gazz (8-2), Creamline (8-2), Chery Tiggo (8-2) at PLDT (7-3).

Matapos yumukod sa Gazz Angels noong Abril 6 ay magkasunod na iniligpit ng Cool Smashers ang Nxled Chameleons at F­lying Titans.

“Aside from the boost sa morale rin namin getting that win against Choco Mucho. I think it’s more of, sabi nga namin, we’re really trying to find our way back most especially na nagsa-struggle kami during the first part of this conference,” ani Creamline star Alyssa Valdez.

Ang panalo sa PLDT ang lalo pang magpapa­lakas sa kanila pagpasok sa Final Four.

Para naman makasingit sa huling semis spot ay kailangan ng High Speed Hitters ng straight-set win sa Cool Smashers kasabay ng panalangin na matalo ang Crossovers sa Highri­sers sa tatlo o apat na sets.

Show comments