Huli ka!

Si Gov. Chavit Singson. Si Sen. Chiz Escudero. Si Raymond Almazan.

Walang naiiba. Lahat silang tatlo ay nasangkot sa violation ng pagdaan sa bus lane sa EDSA.

Si Chavit ang nauna at mabilis nag-apologize. Then sasakyan at driver ni Chiz ang sunod na na-involved.

Nag-sorry din ang senador at pinuri pa ang MMDA personnel. Natural, may multa. Nagbigay pa si Chavit ng P200k reward sa mga humuli sa kanya habang sakay siya ng kanyang armored vehicle na mukhang tangke.

Tapos, si Almazan naman. Pero ang kaibahan, inakusahan ng enforcers ang Meralco Bolts player ng bribery.

May video kasi na matapos ang apprehension, nakita ang isang kamay, na mukhang kamay ng babae, na may nilulukot na pera.

Dehins malinaw kung nomagka.

Kaya ang hatol ng enforcers na humili kay Almazan: bribery. Kung sa video ka lang titingin, mukhang ganun nga.

Nag-apologize din si Almazan. At nag-explain na ang pera daw na hawak ng asawa niya ay para sa fine sa violation.

Di nga?

Dahil sa insidente, na-suspend si Almazan ng one game ng PBA. Dehins nga naman magandang example.

But the rest is history.

Next time, ‘wag kasi dumaan sa bus lane.

Show comments