^

PSN Palaro

NYBL Inter-Cities didribol sa Mayo 4

Philstar.com
NYBL Inter-Cities didribol sa Mayo 4
Sina Butz Arimado, NYBL Organizer, Quezon City coach Vis Valencia, Jayr Matias, Nawaf Rashid Mohammad, Eco Green Makati team representative, coach Arvin Dela Pena at coach Deo Flores ng Pasig team.

MANILA, Philippines -- Idaraos ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities Basketball Championship sa Mayo 4 sa Ynares Center sa Pasig City.

Tinawag na 2nd John Yap Cup, ang torneo ay bukas sa lahat ng mga batang Pinoy, kabilang ang kasalukuyan at dating varsity players na itatampok sa dalawang kategorya – ang 25-under class at 19-under.

“Ikalawang taon na namin ito sa gabay at suporta ng aming mahal na kaibigan na si John Yap. We allow one import per team just to add excitement and test the competitive level of our young players,” ani NYBL founder at organizer Fernando ‘Butz’ Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ang bawat koponan ay pinapayagang magpasok ng isang expat o dayuhang estudyante bilang import.

“Bukod sa pagtulong sa ating mga kabataang manlalaro sa kanilang paghahangad para sa kahusayan sa basketball, narito ang NYBL upang magsilbing tungtungan para sa katuparan ng kanilang mga pangarap na maabot ang antas ng kahusayan mula sa kolehiyo hanggang sa National team at marahil ay isang magandang kinabukasan sa  pro ranks,” dagdag nito.

Kasama ni Arimado sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat sina coach Arvin Dela Pena ng Pasig, Nawaf Rashid Mohammad para sa ECO Green Makati City at Quezon City 1st District squad representatives coach JR Matias at coach Vis Valencia.

Kabuuang 18 koponan ang kumpirmadong sasabak sa torneo kabilang ang Bataan, Olongapo City, Nueva Ecija, Marikina, Manila, Subic at Navotas.

“Masayang-masaya at excited kaming maging bahagi ng liga. Ipinaabot namin ang aming pasasalamat sa suporta ni QC 1st District Congressman Arjo Atayde. Hindi lamang po basketball kundi lahat ng sports ay suportado ni Cong. Atayde at isa po ito sa binibigyan niya ng kahalagahan,” ani Valencia.

Sinabi nina Dela Pena at Mohammad na ang NYBL ay isang liga na tunay na huhubog sa galing at husay ng mga manlalarong Pilipino dahil nag-aalok ito ng dekalidad na basketball at kilala sa integridad pagdating sa maayos na liga at pag-officiate.

“Ang ating pong league commissioner ay si Mr. Robert Dela Rosa at ang grupo naman ng NAMBRO ang ating mga opisyal sa technical, kaya makakaasa po ang ating mga team ng quality basketball at fairness sa officiating,” ani Arimado.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with