Easy money

Naglaro ka na sa ligang labas, nakipag-away ka pa.

Kundi ka ba naman magaling.

‘Yan ang sitwasyon na kinalalagyan ng La Salle player na si Jonnel Policarpio. Kumalat last week ang video ng isang inter-commercial game sa Bulacan.

Nandun din si Kevin Quiambao, ang reigning MVP sa UAAP at isa sa pinakabatang miyembro ng Gilas.

Since last month, may nakita na akong video kung saan naglalaro sila Policarpio at Quiambao sa isang ligang labas.

Sa Zambales ang game ayon sa officemate ko na si Jun. Simento pa ang court.

Oo, walang UAAP at Gilas games pero nagtataka ako bakit wala man lang nagre-remind sa kanila na umiwas sa ligang labas.

Pano na lang kung dito sila ma-injure, especially si Quiambao.

Kahapon, nag-text din ang isang kaibigan na Jun din ang pangalan kung nomagka ang yadba sa players sa ligang labas.

Sa tingin ko, dehins ito bababa sa P10,000 per game kung dehins ka naman sikat at pwede umabot sa P100,000 kung big-name player ka gaya ng ibang idols natin sa PBA.

Malaking pera at baka may kasama pang good time. At sa tingin ko, lawang resibo.

Easy money na, tax-free pa, Bok!

Show comments