LOS ANGELES — Humakot si Anthony Davis ng 23 points at 19 rebounds at nagtala si D’Angelo Russell ng Lakers record para sa three-pointers sa single season sa kanilang 101-94 pagdaig sa Philadelphia 76ers.
Kumolekta si LeBron James ng 20 points, 8 rebounds at 6 assists sa pagpigil ng Los Angeles (38-32) sa seven-game losing skid sa kanilang matchup ng Philadelphia (38-32).
Huling tinalo ng Lakers ang 76ers noong Marso 3, 2020.
Inungusan naman ni Russell ang 3-pointers record na itinala ni Nick Van Exel noong 1994-95 season sa kanyang ika-184 triple sa first quarter.
Tumapos si Russell na may 14 points kasama ang apat na tres.
Umiskor si Tyrese Maxey ng 27 points para sa Philadelphia na muling naglaro na wala si injured MVP Joel Embiid.
Sa Detroit, bumanat si Jaylen Brown ng 33 points sa 129-102 demolisyon ng NBA-leading Boston Celtics (56-14) sa Pistons (12-58).
Sa Miami, nagtala si CJ McCollum ng 30 points sa 111-88 panalo ng New Orleans Pelicans (43-27) sa Heat (38-32).
Sa San Francisco, nagposte si Tyrese Haliburton ng 26 points at 11 assists sa 123-111 paggupo ng Indiana Pacers (40-31) sa Golden State Warriors (36-33).