Squires puro na sa NCAA jrs. crown

Ito ay matapos gibain ng Squires ang University of Perpetual Help Junior Altas, 97-80, sa Game One ng NCAA Season 99 juniors basketball finals kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Inilapit ng nagdedepensang Letran ang sarili sa pagkopo sa kanilang back-to-back crown.

Ito ay matapos gibain ng Squires ang University of Perpetual Help Junior Altas, 97-80, sa Game One ng NCAA Season 99 juniors basketball finals kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nagpasabog si Titing Manalili ng career-high 35 points bukod sa 9 rebounds at 9 assists para sa 1-0 lead ng Letran sa kanilang best-of-three title series ng Perpetual.

Tuluyan nang makokopo ng Squires ang ikalawang sunod na titulo kung muling mananalo sa Junior Altas sa Game Two sa Miyerkules.

Nagdagdag si Syrex Silorio ng 15 markers para sa Letran.

Pinamunuan ni JD Pagulayan ang Perpetual sa kanyang 17 points.

Nagdagdag si Lebron Jhames Daep ng 12 points, samantalang may tig-10 markers sina Amiel Acido, Jan Roluna at Gojo Cruz.

Inaasahang babawi ang Juniors Altas sa Game two para puwersahin ang Squires sa ‘winner-take-all’ Game Three.

Show comments