World Aquatics pinuri ang PAI sa hosting ng AAGC

Sina (mula sa kaliwa) World Aquaitics president Capt. Husain Al-Musallam, Philippine Aquatics, Inc. chief Miko Vargas at secretary general Eric Buhain.

MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang pagdaraos ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa nakaraang 11th Asian Age Group Aquatics Championships (AAGC) sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Kaya naman binigyan ang PAI ni World Aquatics president Capt. Husain Al-Musallam ng mataas na marka.

“The volunteers, the organizing committee, the Philippine Aquatics (Inc.), the city, the airport -- all one team,” wika ni Al-Musallam. “It’s very rare do you find everybody together, everybody working to create a very good environment for the athletes to compete.”

Higit sa 1,000 atleta mula sa 33 bansa ang sumabak sa dalawang linggong komperrisyon na ibinilang din ng World Aquatics (WA) bilang Olympic Qualifying event.

“What I have said before, you deserved a 10,” dagdag ni Al-Musallam.

Alam ng World Aquatics na ang pagho-host ng AAGC ay isang napakahirap na gawain.

Para sa 2024 edition ay nakipagtulungan ang PAI sa Malacañang sa pamamagitan ng Memorandum Circular 43 na nag-uutos sa lahat ng ahensya na suportahan ang pagdaraos ng AAGC.

“Talagang pinahahalagahan namin hindi lamang ang iyong presensya kundi ang suporta at paggabay na ibinibigay mo sa mga aquatics sa Asia ngunit lalo na sa Pilipinas,” ani PAI president Michael “Miko” Vargas kay Al-Musallam.

Sinabi naman ni PAI secretary general at Ba­tangas 1st District Rep. Eric Buhain na karangalan ng buong Philippine aquatics community ang ma­tagumpay na hosting ng AAGC.

“Kami ay lubos na nag­pa­pasalamat sa pagtitiwala na ibinigay ng World Aquatics sa Philippine Aquatics,” sabi ni Buhain. “Ang tagumpay na ito, ang ka­rangalang ito, ay hindi la­mang para sa PAI kundi pa­ra sa buong bansa.”

Show comments