Bossing!

Abot tenga siguro ang ngiti ni Boss Dio, ang team owner ng Blackwater na si Dioceldo Sy.

Unbeaten ang mga bata niya after two games sa PBA Philippine Cup. At mabibigat ang mga tinalo – Meralco at TNT.

Never pa nangyari ‘yun. At mamaya, may game ulit ang mga Bossing kontra Converge. Pag nagkataon, 3-0 sila.

Tiyak may bonus kahit na sabihin pa ni Boss Dio na mabigat sa bulsa.

Ang importante, nasa winning streak ang team niya na tila nagbago ang takbo matapos makuha si Rey Nambatac at James Yap.

Pinakawalan nila si  Baser Amer at nakuha sila Justin Chua at Jaydee Tungcab. Happy si coach Jeff Cariaso sa baraha niya.

Kung pusoy ang laban, par-straight-flushes ang kartada.

Nasa 2-0 rin at surpri­singly namamayagpag ang Terrafirma matapos talunin ang Converge at NLEX.

Kung dati ay nasa ibaba ang Blackwater at Converge, sila ngayon ang nasa itaas. Rain or Shine at Converge ang 0-2.

Kaso, dehins pa nag­lalaro ang mga siga – San Miguel, Magnolia, Ginebra at Phoenix, ang mga semifinalists last conference.

Kaya mas mahaba ang break nila.

Pag pasok ng mga top teams, doon natin malalaman ang tibay ng Blackwater at Terrafirma.

Ready mo ang pang-bonus Boss Dio.

Show comments