^

PSN Palaro

Centeno mapapalaban sa Predator Pro Billiard Series

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Centeno mapapalaban sa Predator Pro Billiard Series
Chezka Centeno.
STAR / File

MANILA, Philippines — Simula na ang Predator Pro Billiard Series Women’s Showdown event ngayong araw pero hindi pa tutumbok ang pambato ng Pilipinas na si world champion Chezka Centeno.

Sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas ginaganap ang tumbukan, naghihintay ang 24-year-old na si Centeno ng makakalaban na manggagaling sa Round 1 match.

Kasalukuyang nagtutumbukan sina Pinay cue artist Dori De Leon at Emilyn Collado, kung sino man ang manalo ay makakalaban si reigning WPA World Ten-Ball women’s champion, Centeno.

Kaya nasama si Centeno na sumargo sa pres-ti­hiyosong Las Vegas Open Women na parte ng CueSports International Expo ay dahil sa pagi-ging world champion nito noong nakaraang taon sa Austria.

Mga tigasing cue ­artists ang kasali kaya tiyak na dadaan sa butas ng kara­yom si Centeno bago matumbok ang korona.

Nasa listahan si reig­ning WPA World 9-Ball women’s champion Chou Chieh-Yu ng Chinese Taipei, nag-aabang din ng makakalaban sa mananalo sa Match 1 ng round 1 sa pagitan nina Veronique Menard ng Canada at Soledad Ayala ng Argentina.

Ang ibang seeded pla­yers na kasali ay sina Allison Fisher ng USA, Kelly Fisher ng United Kingdom at Seoa Seo ng South Korea.

Kukubrahin ng magkakampeon ang $18,000 habang $10,500 sa second placer.

PREDATOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with