^

PSN Palaro

Sayang!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Do Not Enter.

Parang ganyan ang door sign na hinarap ni Manny Pacquiao matapos lumabas ang decision ng International Olympic Committee na dehins pwede lumaban sa Paris Olympics this year ang ating Pambansang Kamao.

Age limit ang naka-knockout kay Pacquiao.

Allowed na lumaban sa Olympic boxing ang professional fighters. Kaso, mahigpit na ipinatupad ng IOC ang age limit na 40 years old.

Nag-45 na last December si Pacquiao, meaning sobra-sobra na siya sa limit. Kung nagkataon, parang anak na niya ang ibang entries.

Ang Philippine Olympic Committee na under kay Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino ang dumiga para kay Pacquiao.

Nakiusap sila sa IOC na payagan si Pacquiao sumali sa Paris Olympics sa July. Magandang promotion or publicity sana para sa Olympics.

Pero dehins kumagat ang IOC kaya nag-decide sila na dehins pwede baguhin ang age limit.

Nalungkot si Pacquiao dahil gusto niya magbigay ng extra pang karangalan para sa Pilipinas. Gold medal ang hangad niya. Dehins ang cash incentives para sa medalists.

Sayang, dahil kahit sa edad niya, maganda pa din ang kondisyon ni Pacquiao. At kung sa Olympics ang labanan na three rounds, baka nga kaya pa niya mag-medal.

Nahuli lang si Pacquiao dahil kung dati pa nila ito naisip, swak siya sa Olympics kahit dumaan pa sa qualifying tournaments.

Too late the hero.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with