La Salle sisimulan ang title defense
MANILA, Philippines — Sisimulan ng De La Salle University Lady Spikers ang pagdedepensa sa kanilang korona sa pagsagupa sa Adamson University Lady Falcons sa paghataw ng Season 86 UAAP women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Magpapaluan ang La Salle at Adamson ngayong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng Ateneo Blue Eagles at University of the East Lady Warriors sa alas-2 ng hapon.
Pakay ni Angel Canino at ng Lady Spikers na panain ang back-to-back championship pero tiyak na dadaan sila sa butas ng karayom bago masungkit ang inaasam na titulo.
Handa ang 20-anyos na si Canino na makipagsanib-puwersa kina Thea Gagate at Shevana Laput para mapanatili ang kanilang korona na naagaw nila sa National University Lady Bulldogs sa nakaraang season.
Si multi-titlist chief tactician Ramil De Jesus ang gagabay sa La Salles.
“Mas mahirap mag-defend ng title kaysa manalo ng championship sabi ni coach Ramil sa amin, kaya naka-focus kami sa training para depensahan iyong titulo sa Season 86,” sabi ng 5-foot-11 Second Best Outside Spiker na si Canino.
Mabigat ang magiging responsibilidad nina Canino, Gagate at Laput, ang Shakey’s Super League National Invitational MVP, sapagkat lumaro na sa pro league ang ibang tigasing kakampi nila sa nakaraang season.
Pero naniniwala si Canino sa kakayahan nina Fifi Sharma, Justine Jazareno, Mars Alba at Jolina Dela Cruz para masikwat ang kanilang target na kampeonato. (
- Latest