^

PSN Palaro

Mr. Cool

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Don’t panic.

‘Yan ang message ni Tyler Bey sa mga Magnolia teammates niya matapos kunin ng San Miguel Beer ang Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup finals.

One more win, champion na ang SMB.

Ibig sabihin, kailangan manalo ng dalawang sunod ang Hotshots para makuha ang korona.

“No pressure,” ang sabi ng cool Magnolia import.

Anya, kung kaya nila ipanalo ang Games 3 and 4 para itabla ang best-of-seven series matapos matalo sa Games 1 and 2, anything is possible.

Tiwala si Bey na kaya nilang ipanalo ang Games 6 and 7.

Ewan ko ba. Kahit kinuha ng Beermen ang 2-0 lead sa serye, dehins pumasok sa isip ko ang 4-0 sweep.

At ganun nga ang nangyari. Namalengke lang ako, 2-2 na pagbalik ko.

Crucial ‘yung Game 5. Ang sabi ko nga kay dating PBA commissioner Noli Eala nung ma-guest tayo sa TV show niya, parang ‘yun ang cham­pionship game.

Sa tingin ko, kung sino ang lumamang ng 3-2, siya ang magiging champion – maging sa Game 6 o Game 7.

Pero tama ang mindset ni Bey: Don’tpanic.

Kung matalo, eh di olats.

vuukle comment

PBA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with