LOS ANGELES - Nagsalpak si Jamal Murray ng 29 points at may 27 markers si Michael Porter Jr. sa 114-106 paggupo ng nagdedepensang Denver Nuggets sa Lakers.
Tinapos ng Denver (36-16) ang three-game winning streak ng Los Angeles (27-26).
Humakot si Nikola Jokic ng 24 points, 13 rebounds at 9 assists para sa Nuggets na binuksan ang isang three-game road trip sa kanilang ikatlong sunod na panalo at pang-walo sa huling 10 laro.
Bumanat si Anthony Davis ng 32 points at may 25 markers, 9 rebounds at 7 assists si LeBron James, habang nag-ambag si Austin Reaves ng 15 points sa panig ng Lakers.
Isinuko ng Denver ang hawak na 15-point lead sa second half, ngunit tinapos ang Los Angeles sa isang 10-2 atake para sa kanilang panalo.
Tatlong oras bago ag laro ay inilunsad ng Lakers ang isang 19-foot-tall bronze statue ni Kobe Bryant sa downtown arena.
Naglaro ang Lakers suot ang kanilang Black Mamba alternate uniforms
Sa Indianapolis, pumukol si Stephen Curry ng season-high 11 triples para sa 42 points sa 131-109 panalo ng Golde State Warriors (24-25) sa Indiana Pacers (29-24).
Sa New York, naglambat si Luka Doncic ng 39 points, 11 assists at 8 rebounds sa 122-108 pagdaig ng Dallas Mavericks (29-23) sa Knicks (33-19).
Sa New York, kumana si Donovan Mitchell ng 27 points para igiya ang Cleveland Cavaliers (34-16) sa 118-95 paggiba sa Brooklyn Nets (20-31).
Sa Milwaukee, tumipa si Anthony Edwards ng 26 points sa 129-105 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (36-16) sa Bucks (33-19).