^

PSN Palaro

Strong Group mapapalaban na sa UAE

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang pahi-pahinga para sa Strong Group Athletics na ibabandera agad ang watawat ng Pilipinas kontra sa host na United Arab Emirates national team sa pagsisimula ng 33rd Dubai International Basketball Championships ngayon sa Al Nasr Club.

Kararating lang ng pambato ng Pilipinas kahapon sa Dubai subalit hindi ito iindahin sa pagsalang nila sa aksyon sa alas-11:15 ng gabi (Manila time) para sa unang laban sa Group B.

Bibida sa mga bataan ni head coach Charles Tiu ang marahil ay pinaka­mabigat na naging import sa kahit anong Philippine team na si Dwight Howard.

Aakbay kay Howard, dating NBA champion at 3-time Defensive Player of the Year, ang iba pang reinforcements na sina Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche, dating OKC Thunder na si Andre Robinson at batikang import na si McKenzie Moore.

Misyon ng Strong Group na maiganti ang quarterfinal exit nito noong nakaraang edisyon kontra sa kampeon na Al Riyadi ng Lebanon.

Bukod doon, hangad ng koponan na masundan ang Mighty Sports Philippines noong 2020 na hinawakan din ni Tiu bilang unang non-Middle Eastern champion team ng Dubai.

Upang magawa ito, may masasandalan ding pambatong local cast ang Strong Group sa pangu­nguna nina UAAP MVP Kevin Quiambao ng La Salle at MPBL Justine Bal­tazar ng Pampanga.

STRONG GROUP ATHLETICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with