Bolick, Salado sa NLEX

Robert Bolick.

MANILA, Philippines —  Nagulantang ang lahat nang i-trade kahapon ng NorthPort sina Robert Bolick at Kent Salado sa NLEX Road Warriors kapalit ng apat na players.

Nakasaad sa deal na kukunin ng Road Warriors sina Bolick at Salado kapalit nina veteran gunners Don Trollano at Kris Rosales, big man Ben Adamos at PBA Season 49 second-round draft pick.

Pormal nang isinumite ang deal sa opisina ng PBA na inaasahang aaprubahan ngayong linggo.

Sa inilabas na official statement ng NLEX, sinabi ni team governor Ronald Dulatre na isa sa dahilan ng trade ang pagkawala ni veteran star Kevin Alas na nagtamo ng ACL torn.

"In light of Kevin Alas's unfortunate injury, we recognize the pressing need to fill the void left by his scoring and leadership. Robert Bolick is a remarkable player, and we believe his skills and experience will significantly contribute to the NLEX Road Warriors," ani Dulatre.

Inaasahang magbibigay ng malaking kontribusyon si Bolick sa Road WArriors na galing sa tatlong sunod na kabiguan para mahulog sa 2-5 marka.

“We are excited about the prospect of having him on our roster and look forward to the positive impact he can make for the team,” ani Dularte.

Galing si Bolick sa kampanya sa Japan B.League kasama ang Fukushima Firebonds.

Ngunit bumalik ito sa Pilipinas dahil sa sensitibong pagdadalang-tao ng kanyang asawang si Cassandra. 

Show comments