^

PSN Palaro

Blackwater binasag ng Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blackwater binasag ng Phoenix
Nilusutan ni Phoenix rookie guard Richie Rivero si Rey Suerte ng Blackwater.
PBA Images

MANILA, Philippines — Humakot si Jason Perkins ng 23 points, 8 rebounds ast 4 assists para akayin ang Phoenix sa 111-106 pagbasag sa Blackwater sa Season 48 PBA missioner’s Cup ka­hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagdagdag si import Jonathan Williams ng 21 markers, 12 boards, 8 assists at 2 steals para sa 3-1 ka­rtada ng Fuel Masters.

Umiskor si RJ Jazul ng 19 points tampok ang apat na triples, habang may 14, 13 at 10 markers sina rookie Richie Rivero, Jayvee Mocon at Tyler Tio, ayon sa pag­kakasunod.

Nalasap ng Bossing ang ikatlong kabiguan sa apat na laban at nakahugot kay import Chris Ortiz ng 35 points, 13 rebounds at 7 assists.

Naging balikatan ang upakan ng dalawang kopo­nan hanggang itayo ng Phoenix ang 107-99 mula sa drive ni Rivero sa hu­ling 1:43 minuto ng fourth pe­riod.

Ang dalawang free throws ni Mocon sa natitirang 12 segundo ang nag-iwan sa Blackwater sa 111-103 para sa final score.

Samantala, magtutuos ang San Miguel at Converge ngayong alas-6:15 ng gabi sa Tiaong Convention Center sa Tiaong, Quezon.

Nagmula ang Beermen sa 93-83 pagpapatumba sa Meralco Bolts para sa 1-1 baraha.

May 0-3 kartada naman ang FiberXers at naghaha­nap ng unang panalo.

Yumukod sila sa Bossing, 103-84, sa TNT Tropang Giga, 101-98, at sa Gi­nebra Kings, 100-86.

JASON PERKINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with