GAB, NTC tandem sa pagsugpo ng illegal gambling

Sina GAB Chairman Richard Clarin at NTC Commissioner Atty. Ella Blanca B. Lopez.

MANILA, Philippines — Nagpulong sina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin at National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Atty. Ella Blanca B. Lopez.

Ito ay bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. base sa inilabas na Executive Order No. 9 na wasakin ang illegal gambling sa bansa.

Pinag-usapan nina Clarin at Lopez ang mga anti-illegal gambling operations at mga collaborate efforts ng GAB para tanggalin ang mga illegal online gambling sites na nag-ooperate sa Pilipinas

“Together, we will work to eliminate illegal gambling activities and create a brighter future for our communities,” sabi ni Clarin.

Show comments