La Salle tumukod sa NU sa OT

MANILA, Philippines — Nilapa ng National University ang De La Salle University, 80-77 sa overtime ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena, kahapon.

Nagsanib-puwersa sina Jake Figueroa at Patrick Yu upang tulungan ang Bulldogs na ilista ang 4-1 card at masolo ang segundo puwesto sa team standings.

Sinandalan ng NU sa bandang dulo ng labanan si Yu na kumana ng limang puntos para iangat ang Bulldogs, 74-69 wala ng da­lawang minuto sa laro.

Naging matatag sa free throw line sina Figueroa at Kean Baclaan, bago umiskor ng lay-up si Donn Lim para selyuhan ang panalo ng Bulldogs.

Si Figueroa ang namuno sa opensa para sa Bulldogs matapos magtala ng 15 points.

Para kay NU head coach Jeff Napa, malaking bagay kapag nakakatalo sila ng isa sa mga top teams sa liga.

“Ang pakialam ko, especially sa players ko, is how they perform,” ani Napa. “Lalo na when we lost against UP, ‘yun yung pinaka concern ko kasi coming to opponents na big teams, we have to be competitive.

Sa ikalawang laro, su­malo sa No. 3 spot ang A­damson University matapos pataubin ang University of the East, 72-65.

Magkakatabla sa No. 3 spot ang Adamson at La Salle tangan ang 3-2 kartada.

Show comments