7-in-1 Chessfest sa Ozamis City

Chess stock photo.
Image by Devanath from Pixabay

MANILA, Philippines — Itatampok si Hall of Famer Eugene Torre at iba pang Grandmasters sa 1st Governor Henry S. Oaminal 7-in-1 Chess Festival sa Nobyembre 10-12 sa Ozamis City Auditorium sa Misamis Occidental.

Isa si Torre, ang unang Grandmaster sa Asya, sa mga nagsusulong ng piyesa sa una sa pitong events na nakalatag sa three-day chessfest sa paglalaro niya sa simultaneous exhibition matches kasama si 13-time PH Open champion Grandmaster Joey Antonio at iba pang superstars sa opening day.

Ang mga top at aspi­ring players naman ang papagitna sa individual, team rapid at blitz tournaments na may premyong ?500,000 sa apat na ka­tegorya.

Nakataya rin sa rapid tournament, gagamitan ng 9-round Swiss system, ang tiket para sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) national championship kung saan ang maghahari ang tatanggap ng ?30,000 top prize.

Bukod sa simul, individual at team tournaments, idaraos din ang age group, executive at armageddon round-robin events para sa mga invited chess masters sa three-day tournament.

Samantala, magkakaroon ng chess lectures mula sa mga GMs at superstars para sa mga masters at students ng sport.

Show comments