MANILA, Philippines – Nakipag-usap si Games and Amusements Board (GAB) chairman Atty. Richard Clarin sa ilang mambabatas para sa pagsusulong sa kapakanan ng mga professional athletes sa bansa.
Kasama ni Clarin si GAB Chief of Staff Atty. Regino D. Mallari Jr. sa pagbisita kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla sa pakikipagdayalogo sa pagtutulak ng kanyang “3xPRO” advocacy.
Nangako sina Estrada at Padilla kay Clarin na tutulong para pagbutihin ang kapakanan ng mga pro athletes sa Pilipinas.
“GAB chairman Atty. Richard S. Clarin and GAB Chief of Staff Atty. Regino D. Mallari Jr. paid a courtesy visit to Senator Jinggoy Estrada and Senator Robin Padilla on September 25, 2023,” ayon sa statement ng GAB.
“Senators Estrada and Padilla expressed full support for our professional athletes and the upcoming 2023 Philippine Porfessional Sports Summit, which will be held on September 29-30, 2023, at the PICC, Pasay City.”
“Together, let us look forward to a brighter and more promising future for our professional athletes!” ayon pa sa pahayag ng ahensiya.