MANILA, Philippines — Nang mabaon sa isang 20-point deficit sa halftime ay hindi na nakabangon ang Rain or Shine.
Yumukod ang mga Elasto Painters sa host Chinese Taipei-A, 79-98, sa pagbubukas ng 2023 William Jones Cup kamakalawa ng gabi sa Taipei Heping Gymnasium.
“Iyong first quarter masama eh,” wika ni coach Yeng Guiao. “We gave up 40 points. From there hindi na tayo nakabawi.”
Umiskor si point guard Andrei Caracut ng 18 points habang nagdagdag si 6-foot-9 naturalized center Ange Kouame ng 16 markers para sa Rain or Shine.
Nakatakdang labanan ng Elasto Painters kagabi ang Chinese Taipei B
Humataw si naturalized player William Artino ng 23 points at 9 rebounds para sa mga Taiwanese.
Nagpasabog sina Artino at Gadiaga ng pinagsamang 27 points sa first period kung saan tuluyan na nilang iniwanan ang Rain or Shine hanggang sa fourth quarter.