Eto na!
Nasa bansa na si Jordan Clarkson, ang NBA star na tutulong sa Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA World Cup.
Dumating siya kahapon ng madaling araw mula sa isang 13-hour flight galing sa Los Angeles.
Dinumog sa airport ang eight-year veteran ng Utah Jazz. Pero kumpleto sa bodyguards. Nakausap sandali ng media.
“We have a good chance,” ang sabi ni Clarkson.
Makakahinga na ng mas maluwag si Gilas coach Chot Reyes. Iba na rin syempre kung nandito na si Clarkson.
At habang pa-land na ang eroplano ng NBA star, paalis naman ang Gilas team sa China kung saan sila naglaro ng tuneup games.
Kasama nga dapat si Clarkson sa China. Pero hindi naayos ang visa kaya dehins nakalipad.
Sa Aug. 25 na ang simula ng World Cup so easily may two weeks pa para makasama ng Gilas si Clarkson sa mga practices.
Pwede na din.
Malaking bagay ang pagdating ni Clarkson para sa World Cup. At least, may legit NBA player para sa Gilas.
Isa na lang ang kulang sa lineup natin.
Si Kai Sotto.
- Latest