MANILA, Philippines — Nagpatalsik si pitcher Erica Arnaiz ng 15 batters para sa kanyang three-hit complete-game shutout sa 3-0 paggupo ng Pilipinas sa Milford, Connecticut sa 2023 Junior League Softball World Series finals sa Kirkland, Washington.
Ito ang ikalawang world title ng Pinas sa nasabing torneo matapos magwagi ang isang Bacolod team noong 2003.
Bigo naman ang tropa mula sa Norzagaray, Bulacan na makuha ang korona noong 2015 edition.
Winalis ng Bago City, kumatawan sa bansa sa nasabing 12-14 age group division, ang lahat ng anim na laro sa Pool A para plantsahin ang kanilang championship match ng East Region team.
Sa kabuuan ay naglista si Arnaiz ng 85 strikeouts sa kabuuan ng torneo kasama ang 17 laban sa West squad noong Biyernes.
Ang RBI single ni Ana Dyana Buenafe ang nagresulta sa pag-iskor ng dalawang runners para sa three-run lead ng Bago City laban sa East team.
Umiskor ang mga Pinay batters ng isang run sa second inning kasunod ang dalawa pa sa sixth inning para selyuhan ang kanilang tagumpay.