Filipinas sasagupa sa Switzerland
AUCKLAND — Sisimulan ng Philippine national women’s football team ang kampanya sa prestihiyosong FIFA Women’s World Cup laban sa Switzerland.
Bagama’t itinuturing na underdogs ay inaasahang ibibigay ng Filipinas ang lahat ng kanilang lakas para gulatin ang mga Swiss sa upakan nila sa Group A ngayong ala-1 ng hapon (Manila time) sa Forsyth Barr Stadium.
Bukod sa World No. 20 team na Switzerland ay lalabanan din ng mga Pinay booters ang matinding lamig, ayon kay Australian coach Alen Stajcic.
May average na 7-degree Celsius (44.6-degree Fahrenheit) ang klima ngayon sa nasabing siyudad.
Ngunit inaasahang babalewalain ito ng Filipinas, ang No. 46 team sa FIFA women’s world rankings, para makaiskor sa Switzerland.
“Now, it’s time to go to the biggest women’s sporting event in the world, and try to do the best that we can,” sabi ni Stajcic sa kanyang koponan.
Umabante ang Filipinas sa kauna-unahang World Cup matapos makalusot sa semifinals ng nakaraang 2022 AFF Women’s Asian Cup noong Pebrero kung saan nila tinalo ang Chinese Taipei via penalty shootout.
- Latest