MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na pamamahala sa Asian Cycling Confederation (ACC) BMX Championships ay muling nag-alok ang PhilCycling na maging host ng 2025 edition ng event.
Bahagi ito ng hangarin ng PhilCycling na maging unang Asian country na mangasiwa ng isang International Cycling Union (UCI) BMX World Cup sa nasabing taon.
Ipinabatid ni cycling head at Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang kanyang intensyon kina Asian Cycling Confederation (ACC) secretary-general Onkar Singh at UCI management committee member Datuk Amarjit Singh ng Malaysia sa pagtatapos ng 2023 Asian BMX Championships for Freestyle and Racing sa Tagaytay City BMX Park noong Linggo.
“With the success of this year’s Asian BMX cham- pionships, Tagaytay City is declaring its bid not only for the continental championships but also for the UCI World Cup in 2025,” ani Tolentino.
Lumahok ang higit sa 200 athletes at officials mula sa siyam na Asian countries sa nasabing three-day championships na nagsilbing huling qualifier para sa cycling discipline sa 2024 Paris Olympics.
Sinabi ni Tolentino na kailangan nilang pagandahin ang BMX track sa Tagaytay City para mahawakan ang World Cup sa 2025.
“Innovations on the current BMX track would be implemented, especially on raising the start ramp from its present 5-meter height to the world championships and World Cup standard of 8 meters,” ani ng POC chief.
Sisimulan nang itayo ang isang V-shaped start ramp na may sukat na 5 meters at 8 meters.