^

PSN Palaro

Baduria gagawin ang farewell fight sa URCC 86

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasalang si Caloy “The Bad Boy” Baduria sa kanyang pinakahuling laban sa pagsagupa kay unbeaten Mariano “The Hitman” Jones sa main event middleweight bout ng Universal Reality Combat Championship (URCC) 86 sa Martes sa Palace Xylo sa BGC.

Nangako ang 43-anyos na tubong Northern Samar na gagawin niya ang lahat para sa isang hindi malilimutang farewell retirement fight sa sport na kanyang minahal sapul noong 2003.

Magandang laban ang ibibigay niya sa Costa Rican warrior.

Bitbit ni Baduria ang 11-6-1 win-loss-draw record tampok ang siyam na knockout win dahil sa kanyang matinding striking ability.

Ngunit kilala si Jones sa kanyang wrestling at striking skills na nagparetiro kay Arvin Chan noong Abril 25 via keylock submission.

“I will treat my rival with full respect by training hard and giving him the best fight. Whatever happens, I prepared myself, I worked on my wrestling, grappling and striking,” ani Jones na magiging 27-anyos sa Hulyo 7.

Samantala, naniniwala sina URCC founding President Alvin Aguilar at Vice-President Co-Owner/ General Manager Aleks Sofronov na lalo pang magbibigay ng excitement ang pagdaragdag nila ng kauna-unahang grappling bouts sa URCC history sa torneong itinataguyod ng online casino Atlantis.

Ang fight card ay suportado rin ng Angkas at Lucas Lepri BJJ.

Sa iba pang laban, haharapin ni Neil Larano si Joaquin Dy sa welterweight grappling bout habang makakatapat ni Gabriel Del Rosario si Gregorio Abalos sa isang open weight grappling fight at lalabanan ni Marwin Quirante si McCleary Ornido sa flyweight MMS bout.

MIX MARTIAL ARTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with