Yulo puntirya ang World at Olympic berth

Philippines' Carlos Edriel Yulo competes during the Men's Parallel Bars final at the World Gymnastics Championships in Liverpool, northern England on November 6, 2022.
PAUL ELLIS / AFP

MANILA, Philippines — Ang tiket para sa 2023 World Championships at sa 2024 Olympic Games ang target ni national gymnast Carlos Yulo sa kanyang paglahok sa Asian Artistic Gymnastics Championships sa Singapore.

Nakatakda ang torneo sa Hunyo 10 hanggang 18 kung saan lalahok din ang mga bigating gymnasts sa buong Asya.

Nakataya sa Asian meet ang silya para sa World Championships sa Setyembre 30 hanggang Oktubre 8 sa Antwerp, Belgium.

Ang world meet din ang magsisilbing qualifying tournament para sa 2024 Paris Olympics.

Asam ng 23-anyos na si Yulo ang kanyang ikalawang sunod na Olympic appearance matapos pumuwesto sa fourth place sa men’s vault ng 2020 Tokyo Games.

Noong 2022 Asian Championships ay nakamit ni Yulo ang silver medal na nagpasok sa kanya sa World Championship sa Liverpool, England.

Humakot naman ang Batang Maynila ng isang silver sa vault at bronze sa parallel bars sa nasabing world tilt para makapaglaro sa Tokyo Olympics.

Nagbulsa ang two-time world champion ng dalawang ginto at dalawang pilak na medalya sa nakaraan 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Hindi siya lalahok sa darating na 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 dahil kasabay nito ang World Championship.

Show comments