MANILA, Philippines — Nagbukas kahapon ang Manila Youth Football League (MY Football League) na may hangaring palakasin ang sport at ang kabataan.
Sisipa sa torneo, nagbabalik matapos ang three-year absence, ang 88 teams mula sa 11 age categories kasama ang open mixed na nagtatampok sa mga scholars na sinusuportahan ng MFC Foundation, mga koponan mula sa Gawad Kalinga, Antipolo, Japan Football Club at iba pa.
Idaraos ang two-day tournament sa Circuit Makati, nagdiriwang ng ika-10 year anniversary at inihahandog ng Purefoods.
Giniyahan ng FIFA Grassroots, itinatag ang MY Football League noong 2019 para makagawa ng isang programa na magbubuklod sa liga at mga tutulong dito.
Itinayo ang MFC Foundation kasama si Makati Football Club founder Tomas Lozano, ang organizer ng youth football leagues sa higit sa apat na dekada, para ipagpatuloy ang nasimulang adhikain.
Nakatakda ngayong araw ang final day kung saan maglalaro ang mga koponan ng 2009 at 2008 sa alas-10 ng umaga at ang Open Mixed Division sa ala-1 ng hapon.