Game-fixing issue pinabulaanan nina Vosotros, Sangalang

Almond Vosotros.

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan nina Almond Vosotros at Ian Sangalang ang pagkakasangkot nito sa game-fixing isyu na lumabas kamakalawa sa Singaporean paper na The Straits Times.

Sinabi ni Vosotros na nagulat ito sa lumabas na balita kasabay ng mariing pagtanggi na bahagi ito ng game-fixing sa Thailand Basketball League noong 2018.

Nakasentro ang atensiyon ni Vosotros sa 32nd Southeast Asian Games kung saan kasama ito sa Philippine 3x3 team.

“First of all, I was surprised by the allegations, everyone knows I played in Thailand in 2018. And ho­nestly, I have no knowledge about it and I will never do it,” ani Vosotros.

Pinag-aaralan na ni Vosotros ang pagsasampa ng kaso.

Sa ulat ng The Straits Times, binanggit ang pa­ngalan ni Vosotros na nakatanggap umano ng suhol mula kay Singaporean businessman Koa Wei Quan.

“You guys know what's my career is in high school, college to pro, and to Gilas. As in, I don't even know that person. At saka for me ah, yung nilaruan ko na team sa Thailand, number one team ko Mono Thewphaingarm pangalawa PEA, sobrang gustong gusto nila ako that time,” ani Vosotros.

Ganito rin ang pahayag ni Sangalang na sinabing hindi nito kilala si Koa.

Kumokunsulta na rin si Sangalang para sa legal na aksyon sa isyu. 

Show comments