James, Lakers pinaamo ang Bulls

Nilusob ni LeBron James ng LA Lakers ang depensa ng Chicago Bulls.
STAR/ File

CHICAGO — Humataw si LeBron James ng 25 points, 7 rebounds at 4 assists sa kanyang pagbabalik sa starting lineup para banderahan ang Los Angeles Lakers sa 121-110 pagpapabagsak sa Bulls.

Umiskor si Anthony Davis ng 38 points at may 17 markers si D’Angelo Russell para sa Los Angeles (38-38) na lumalaban para sa playoff positioning sa Western Conference.

Kumolekta si Nikola Vucevic ng 29 points, 12 rebounds at 6 assists para sa Chicago (36-40) na nakahugot kay DeMar DeRozan ng 22 points at 17 points kay reserve Coby White.

Ang three-point play ni Dennis Schröder ang nagbigay sa Lakers ng 97-79 abante sa 8:22 minuto ng fourth quarter habang ang triple ni Davis ang nagbaon sa Bulls sa 105-87.

Sa Portland, kumamada si De’Aaron Fox ng 18 points para igiya ang Sacramento Kings (46-30) sa 120-80 paggupo sa Trail Blazers (32-44) at angkinin ang playoff spot sa West.

Sa Indianapolis, nagpaputok si Jrue Holiday ng career-high na 51 points at may 38 markers si Gian­nis Antetokounmpo sa 149-136 paggiba ng NBA-leading Milwaukee Bucks (55-21) sa Indiana Pacers (33-44).

Sa New York, naglista si Cam Johnson ng 31 points habang may 27 markers si Mikal Bridges sa 123-114 pagbangga ng Brooklyn Nets (41-35) sa Houston Rockets (18-59).

Show comments