Oras na ba para mag-retiro si Asi Taulava sa PBA?
Siguro nga.
‘Yan ang balita mula sa NLEX camp. Tila kasama sa mga plano ng team na pakawalan na si Asi.
Nag-celebrate ang Fil-Tongan ng 50th birthday niya last March 2 kaya on record, siya ang oldest active PBA player.
Tinabla na niya ang record ni Robert “Living Legend” Jaworski na naglaro sa PBA hanggang 50 years old.
Kaya sa tingin ko, it’s about time na mag-retire na din si Asi na pumasok sa PBA noong 1999 and naging 2003 MVP at 17-time All-Star.
Imagine, parang tatay na siya ng teammate niya na si Matt Nieto na 25 years old.
May maitutulong pa naman si Asi sa NLEX or kahit ano pang team once mag-retire siya.
Pwede siya maging big man coach or assistant coach. Sana nga lang, ‘wag nila i-retire si Asi habang off-season. Mabigyan sana siya ng magandang sendoff.
Isang farewell performance para sa fans.
Then, pwede siya mag-bow.