Lady Spikers magpapatibay sa liderato

MANILA, Philippines — Pakay ng De La Salle University na mapatatag ang kapit sa solong pamu­mu­no sa muling pagharap sa defending champion National University sa se­cond round ng UAAP Season 85 women’s volleyball tournament sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Magtutuos sa ikalawang pagkakataon ang Lady Spi­kers at Lady Bulldogs nga­yong alas-5 ng hapon

Mataas ang kumpiyansa ng Lady Spikers ma­tapos ilampaso ang La­dy Bulldogs sa first round ng eliminasyon noong Miyer­kules kung saan naitarak ng tropa ang 25-10, 25-15, 25-21 panalo.

Si super rookie Angel Ca­nino ang pangunahing si­nandalan ng Lady Spikers para makumpleto ang 7-0 sweep sa first round.

Bumagsak naman ang Lady Bulldogs sa 5-2 mar­ka.

“Us coaches, we always remind the players that this game is already over, the next game is going to be different. We couldn’t stay on cloud nine. I always remind them that if we win in a big game, we should have our feet down on the ground right away. We shouldn’t be thinking of that win in the ensuing days be­cause we’re preparing for our next game,” ani La Salle interim coach Noel Orcullo.

Maliban kay Canino ay naaasahan din ng La Salle si middle blocker Fifi Shar­ma na bumanat ng 12 points konta sa Lady Bulldogs.

Ngunit ayaw ng La Salle na magpakampante dahil mahaba pa angbtayahakin nito.

Sa kabilang banda, desidido naman ang Lady Bulldogs na rumesbak sa Lady Spikers.

Para kay reigning MVP Bella Belen, kailangang maibalik ng NU ang bagsik sa kanilang mga mata para makabalik sa porma.

Sa iba pang laro, mag­haharap ang Ateneo at Uni­versity of the East sa alas-9 ng umaga kasunod ang la­ban ng UST at Adamson University sa alas-11 ng umaga at ang duwelo ng FEU at UP sa alas-3 ng hapon.

Show comments