Coo reresbak sa Thailand BMX Cup 2

Ang nasabing Thai race—kagaya ng Jakarta event—ay isang C1 race sa International Cycling Union calendar na may nakatayang qualifying points para sa Paris 2024 Olympic Games.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos ang kabiguan sa Jakarta ay papadyak naman si Patrick Bren Coo sa Thailand BMX Cup 2 sa Bangkok sa Kamol Sports Park.

Ang nasabing Thai race—kagaya ng Jakarta event—ay isang C1 race sa International Cycling Union calendar na may nakatayang qualifying points para sa Paris 2024 Olympic Games.

“I feel good about the competition right now … feeling strong and super relaxed,” wika ni Coo na ipinagdiwang ang kanyang ika-21 kaarawan noong Biyernes kasama si PhilCycling off-road coach Frederick Farr.

Inangkin ni Coo ang silver medal sa Indonesia BMX 2023 Round 1 sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta noong nakaraang linggo.

Kasama ni Coo si D­aniel Caluag na maghahangad na makasikwat ng tiket sa 2024 Paris Olympics.

Pipilitin ng 36-anyos na si Caluag, ang tanging gold medalist sa Incheon 2014 Asian Games, na makuha ang Olympic berth sa pagsali niya sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

Show comments