^

PSN Palaro

Bucks sinuwag ang unang playoff spot

Pilipino Star Ngayon
Bucks sinuwag ang unang playoff spot
Hindi na napigilan ng mga Suns players ang layup ni Giannis Antetokounmpo ng Bucks
STAR/ File

PHOENIX  — Inagaw ng Milwaukee Bucks ang bentahe sa gitna ng fourth quarter para palubugin ang Suns, 116-104, at hablutin ang unang playoff berth sa Eastern Conference.

Kumamada si Giannis Antetokounmpo ng 36 points, 11 rebounds at 8 assists at nagdagdag si Brook Lopez ng 21 mar­kers para sa Milwaukee (50-19) na naipanalo ang 21 sa kanilang huling 23 laro sa loob ng dalawang buwan.

Nahulog naman ang Phoenix (37-32) sa ka­nilang ikatlong sunod na talo.

Ang three-point shot ni Pat Connaughton sa 6:30 minuto ng fourth period ang nagbigay sa Bucks ng 100-97 kalamangan bilang bahagi ng kanilang inihulog na 24-9 bomba para talunin ang Suns.

Umiskor si Devin Boo­ker ng 30 points sa panig ng home team  habang may 19 points at 8 rebounds si Deandre Ayton.

Sa Portland, kumolekta si Immanuel Quickley ng 26 points at 10 rebounds sa 123-107 panalo ng New York Knicks (41-30) sa Trail Blazers (31-38).

Sa New Orleans, humakot si Anthony Davis ng 35 points at 17 rebounds sa 123-108 pagpapatumba ng Los Angeles Lakers (34-35) sa Pelicans (33-36).

Sa Toronto, humataw si Fred VanVleet ng 36 points para sa 125-110 pagpulutan ng Raptors (33-36) sa Denver Nuggets (46-23).

Sa Oklahoma City, tumipa si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 points sa 121-107 pagdaig ng Thunder (34-35) sa Brooklyn Nets (39-30).

 

vuukle comment

EASTERN CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with