Gazz Angels magpapalakas sa semis spot

MANILA, Philippines — Target ng Petro Gazz na makalapit sa semis spot sa pagsagupa sa Akari Char­gers sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang salpukan ng Gazz Angels at Chargers ngayong alas-4 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Choco Mu­cho at Chery Tiggo sa alas-6:30 ng gabi.

Pukpukan na ang la­ba­nan para sa tatlong na­­lalabing tiket sa semis m­a­tapos unang okupahan ng defending champion Creamline ang silya sa semis.

Hawak ng Cool Sma­shers ang 6-1 baraha kabuntot sa No. 2 spot ang F2 Logistics na may 5-2 marka.

Magkasosyo sa ikatlo ang PLDT Home Fibr at Petro Gazz na parehong may 4-2 rekord kasunod ang Chery Tiggo (3-3), Cho­co Mucho (2-4), Akari (2-4) at Cignal (2-4).

Kaya naman inaasahang magiging pukpukan ang labanan sa mga nala­labing laro sa eliminasyon.

Galing ang Gazz Angels sa 25-21, 25-10, 25-13 panalo kontra sa Philippine Army kung saan nanguna si middle blocker MJ Phillips sa scoring tangan ang 16 puntos.

 

Show comments