Cool Smashers asam ang liderato

Michele Gumabao at Myla Pablo

MANILA, Philippines — Tatangkain ng defen­ding champion Creamline na muling masolo ang lide­rato sa pagharap nito sa F2 Logistics sa pagpapatuloy ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Inaabangan na ang pag­tutuos ng Cool Sma­shers at Cargo Movers sa alas-6:30 ng gabi matapos ang duwelo ng Cignal at Petro Gazz sa alas-4 ng ha­pon.

Magkasalo sa No. 1 spot ang Creamline at Chery Tiggo na parehong may malinis na 3-0 baraha, habang nakabuntot ang F2 Logistics sa ikatlo bitbit ang 2-1 marka.

Hindi problema para sa Cool Smashers ang pag­kawala ni team captain Alyssa Valdez na kasaluku­yan pang nagpapagaling sa kaniyang injury.

Namamayagpag ang Creamline na nakasakay sa three-game winning streak kabilang ang 25-18, 25-13, 25-14 demolisyon sa Choco Mucho noong Martes.

Si opposite hitter Michele Gumabao ang pu­ma­lit kay Valdez sa starting lineup.

At hindi binigo ni Gu­ma­bao ang lahat dahil na­kakapag-ambag ito ng malaking puntos na tulad ng ginagawa ni Valdez.

Sa katunayan ay si Gu­­ma­bao ang top spiker hindi lamang ng Creamline kundi sa buong liga kung efficiency ang pag-uusapan.

Malaki rin ang kontribus­yon nina two-time MVP Tots Carlos, Jema galanza, Ced Domingo at Jeanette Panaga kasama pa si ve­teran playmaker Jia Morado.

Subalit haharap ang Cool Smashers sa Cargo Mo­vers na gigil na ma­ka­ba­lik sa porma matapos lu­masap ng 19-25, 14-25, 16-25 kabiguan sa Crossovers noong Huwebes.

Sa naturang laro ay nalimitahan lamang sa isang puntos si F2 Logistics top scorer Kim Kianna Dy.

 

Show comments