BOSTON - Humataw si Mikal Bridges ng 25 points at naglista si Dario Saric ng 14 markers at 13 rebounds para ihatid ang Phoenix Suns sa 106-94 pagsilaw sa NBA-leading na Celtics.
Inihulog ng Phoenix (28-26) ang Boston (37-16) sa kanilang ikaapat na kabiguan sa huling anim na laro.
Nagdagdag si Chris Paul ng 15 points, 8 assists at 6 rebounds para sa Suns na nagposte ng 20-point, second-quarter lead.
Nagawa namang makabangon ng Celtics para makadikit sa pagtatapos ng third quarter, 73-74.
Ngunit humataw ang Phoenix ng 8-0 atake sa pagbubukas ng final canto para muling makalayo sa Boston patungo sa kanilang panalo.
Umiskor si Jaylen Brown ng 27 points at may 20 markers si Jayson Tatum sa panig ng Celtics.
Sa San Antonio, nagsumite si Joel Embiid ng 33 points at 10 rebounds sa 137-125 panalo ng Philadelphia 76ers (34-17) sa Spurs (14-39).
Sa Washington, kumamada si Anfernee Simons ng 33 pointssa 124-116 pagdaig ng Portland Trail Blazers (26-26) sa Wizards (24-27).
Sa Salt Lake, naghulog si Trae Young ng 27 points sa 115-108 pagdagit ng Atlanta Hawks (27-26) sa Utah Jazz (27-27).
Sa Houston, nagsalpak si Fred VanVleet ng 32 points sa 117-111 pagpulutan ng Toronto Raptors (24-30) sa Rockets (13-39).
Sa Indianapolis, tumipa si Buddy Hield ng 21 points sa 107-104 pagtakas ng Indiana Pacers (25-29) sa Sacramento Kings (29-22).
Sa Detroit, may 22 points si Saddiq Bey sa 118-112 paggupo ng Pistons (14-39) sa Charlotte Hornets (15-39).