^

PSN Palaro

Altas malinis pa rin sa NCAA beach volley

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang University of Perpetual Help System Dalta na nanati­ling malinis ang rekord sa NCAA Season 98 Men’s Beach Volleyball Tournament na ginaganap sa Subic, Zambales.

Pinataob ng Perpe­tual Help spikers na sina L­ouie Ramirez at Jefferson Marapoc sina Ralph Pitogo at Joshua Ramilo ng Emilio Aguinaldo College, 21-15, 21-14.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Altas para manatiling malinis ang rekord nito at kapitan ang solong pamumuno.

Nasa ikalawang puwesto ang Arellano University hawak ang 5-1 kartada habang nahulog sa ikatlo ang Emilio Aguinaldo na may 4-1 baraha.

Tinalo nina Adrian Villados at Clarence Guinto ng Arellano sina Deon Colorado at Vergel Golloso ng Lyceum of the Philippines University sa iskor na 21-11, 21-18.

Nanaig din sina Villados at Guinto kina Reggie Quilban at Janer Prado ng Jose Rizal University, 21-11, 21-16.

Nalusutan naman ng San Beda University ang College of Saint Benilde sa pamamagitan ng pukpukang 14-21, 21-17, 15-11 come-from-behind win para umangat sa 4-2 marka.

Sa iba pang resulta, nanalo ang San Sebastian College-Recoletos sa Colegio de San Juan de Letran, 21-11, 21-10.

BEACH VOLLEYBALL

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with